Posts : 155 Join date : 2010-03-02 Age : 36 Location : Pennsylvania, USA
Subject: Listen To Your Heart March 26th 2010, 10:54 pm
Sa dinami-dami ng mga lalaking naka-date ni Lorin, wala isa sa mga ito ang nagustuhan niya. Sa tingin niya ay puro latak na lang ng lipunan ang nakikilala niya. She wasn’t looking for a perfect man. She was just looking for the right man. And the real one.
May natagpuan nga siya, off-limits naman para sa kanya. Alam niyang walang perpektong lalaki pero may nakalusot na isa sa katauhan ni Chad. He was handsome and dependable, the nicest, most understanding and most thoughtful person who ever walked on this side of the planet. Inuunawa rin nito ang magulong takbo ng pag-iisip niya.
She was used to having him around that she never expected it when he announced he was going to get married. Naalarma siya bigla kaya kahit wala sa plano ay nagtapat siya rito at ipina-realize niya rito na walang ibang babaeng nararapat para dito kundi siya. Because if she really wanted to be happy, she should listen to her heart as what everybody was telling her already.