May sumpaan sina Angie at ang first love niya na kung sakali mang magkikita sila sa hinaharap ay magpapakasal sila.
Pero ayon sa pinsan niya,wala raw kasiguruhan iyon kaya dapat nang humanap siya ng iba. And her nosy cousin was kind enough to look for a prospective boyfriend for her.Iyon ay sa katauhan ni Jilan, ang kapitbahay niyang kalahi ng pinsan niya sa kapraningan.
Their first meeting was unusual. He asked her if she believed in love at first sight. Natural na magulat siya. Siya nga ay hindi naniniwala sa love at first sight, si Jilan pa kaya?
"I don't know if you would believe me but I think I fell for you the first time I saw you."
Hah! Parang maniniwala naman siya gayong lahagt yata ng babaeng lumalapit dito ay pinagbibigyan nito. Malay ba niya kung siya lamang ang pinagsabihan nito niyon o lahat ng babaeng nakakasalamuha nito?
Pero sa totoo lang, gusto niyang maniwalang totoo ang sinasabi nito...